KKDAT Besao, Nakilahok sa Kick-off Ceremony ng Bisikleta Iglesia sa Mountain Province

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo – Besao Chapter ang isinagawang Simultaneous Kick-off Ceremony ng Bisikleta Iglesia sa Besao, Mountain Province nito lamang ika-6 ng Abril 2023.

Ang ruta para sa “Bisikleta Iglesia Patrolling” ay nagsimula sa St. Bennedict Episcopal Church, Kin-iway, Besao, papuntang St. Anne Episcopal Church, West, St. Augustine Episcopal Church sa Agawa, Besao Evangelical Church sa Payeo, St. Mark Episcopal Church sa Banguitan, St. John the Divine Episcopal Church sa Lacmaan at nagtapos sa St. Caroline Episcopal Church, Padangaan, Besao.

Layunin ng aktibidad na pahusayin ang presensya ng pulisya at KKDAT sa iba’t ibang simbahan at mga places of convergence. Nais din ng aktibidad na isulong ang physical fitness at environmental awareness sa pamamagitan ng paggamit ng mga bisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *