Force Multipliers nakiisa sa Oplan Linis sa Nueva Ecija

Nakipagtulungan ang mga miyembro ng Police Hotline Movement Inc. (PHMI) sa paglilinis ng kapaligiran sa Barangay Talabutab Norte, Gen Natividad, Nueva Ecija nito lamang Linggo, ika-23 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Gen Natividad PNP sa pamumuno ni Police Major Ferdinand V Somera, Chief of Police.

Nagkaisa ang grupo sa pagwawalis sa paligid ng Barangay Hall at gilid ng paaralan sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan ng maigting na ugnayan ng PNP at mamamayan ay mapapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at kaligtasan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *