Community Clean-up Drive nilahukan ng DOLE TUPAD Beneficiaries

Muntinlupa City – Sama-samang nagsagawa ng Community Clean-up Drive ang mga miyembro ng DOLE TUPAD Beneficiaries sa Biazon NBP Compound, Barangay Poblacion sa Muntinlupa City nito lamang Miyerkules, Abril 26, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mrs. Analyn Martizano, mula sa munisipyo ng Muntinlupa katuwang ang R-PSB Poblacion sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Ruel Nasaan.

Layon ng programa na ipabatid ang masamang dulot ng basura sa paligid at pati na rin sa kalusugan sa pamamagitan ng pagbubukod-bukod o segration ng mga biodegradable at non-biodegradable na mga basura. Hinihikayat din ng grupo ang pag-recycle ng mga basura tulad ng mga plastik para mabawasan ang polusyon at makatipid na rin sa mga gastusin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *