Faith Based nakiisa sa KASIMBAYANAN sa Bataan

Nakiisa ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting sa Barangay Alangan, Limay, Bataan nito lamang Lunes, ika-24 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 2nd Bataan Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Crizalde M Conde, Force Commander.

Nagbahagi sina Chaplain Deoffrey Sarmiento at Chaplain Raffy Alegre ng salita ng Diyos at nagbigay kaalaman rin ang pulisya patungkol sa iba’t ibang batas.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan tungo sa maayos at mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *