Sagip Babae Foundation, nagbigay donasyon sa kapulisan

Nakatanggap ng donasyon ang Parañaque City Police Station mula sa Sagip Babae Foundation nito lamang umaga ng Huwebes, Abril 27, 2023.

Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ni
G. Jev Mark at Ms. Mel Profeta ng Sagip Babae Foundation na malugod na tinanggap ng Community Affairs Section ng nasabing istasyon.

Ang donasyon mula sa grupo ay 8 na sako ng bigas , 300 pirasong instant noodles, at 300 pirasong mga lata ng sardinas.

Ang donasyon na ito ay bilang suporta sa community outreach program ng naturang istasyon na siyang ibibigay din sa mga kababayan na mas nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *