Kaligkasan Warriors nakiisa sa Clean-Up Drive sa Nueva Ecija

Nakipagtulungan ang mga Kaligkasan Warriors sa isinagawang Clean-Up Drive sa Bongabon, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-1 ng Mayo 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon Bongabon Patrol Base sa pangunguna ni Police Senior Master Sergeant Manolo Guevarra.

Nagkaisa sa pagtatanggal ng mga malalaking sanga ng kahoy na nakakasagabal sa daanan at nagpulot na rin sila ng mga basura sa paligid.

Patuloy ang mamamayan at PNP sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at kaligtasan ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *