KKDAT Mt. Province, nakiisa sa isinagawang Moving the Youths Towards Peace and Development

Aktibong nakiisa at tumulong ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo – Mountain Province sa katatapos lamang na Moving the Youths Towards Peace and Development na isinagawa sa Namatec, Sabangan, Mountain Province nito lamang Abril 28-30 2023.

Dito nga ay tumulong ang nasabing grupo bilang facilitators sa aktibidad kung saan nasa 86 mag-aaral ng Namatec National High School ang naging mga kalahok.

Naging tampok sa aktibidad ang lectures, Guidon at Slogan Making, Career Exploration, Self Love at Recollection/Reflection, Namatec Got Talent at Big Brothers Time with Parents.

Patuloy naman ang paghikayat ng mga KKDAT Mountain Province sa kanilang mga kapwa kabataan na makilahok sa mga programa at aktibidad na kanilang isinasagawa kasama ang pulisya at iba pang stakeholders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *