KKDAT Sabangan, nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo -Sabangan Chapter sa isinagawang Clean-up Drive sa Namatec, Sabangan, Mt. Province nito lamang Abril 30, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Mt. Province 1st & 2nd Provincial Mobile Force Company kasama ang Sabangan Municipal Police Station, BFP, Armed Forces of the Philippines, at PNP Special Action Force.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong sa pagpulot at pagwalis sa mga basurang nakakalat sa naturang lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang inang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *