KKDAT, nakiisa sa Tree Planting sa Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Purikay, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang Mayo 1, 2023.

Kabilang sa nakilahok ang mga kawani ng Barangay Local Government Unit; 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company Advisory Group for Police Transformation and Development; MENRO Lebak; 57th Infantry Battalion; FFM Enforcer; 4PS Beneficiaries; Senior High School Students; Barangay Health Workers; BPATs at KKDAT.

Umabot sa mahigit 200 na punla ng bamboo trees ang naitanim ng grupo sa naturang lugar.

Hiling naman ng mga kawani ng gobyerno sa mga residente lalo na sa brgy. council na pangalagaan at subaybayan ang paglaki at paglago ng mga itinanim na puno na magsisilbing panlaban sa anumang kalamidad at sakuna sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *