Force Multipliers, nakilahok sa Mobile Blood Donation Drive sa Cebu

Badian, Cebu – Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Mobile Blood Donation Drive na ginanap sa Barangay Santicon, Badian, Cebu nito lamang ika-2 ng Mayo 2023.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pangangasiwa ng Badian Rural Health Unit at Vicente Sotto Memorial Medical Center na siyang nilahukan ng Badian Police Station, Barangay Officials at ilang residente ng nasabing lugar.

Naging tema ng aktibidad ang “Donate Blood to Save Lives” na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman upang madugtungan ang kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *