BPATs nakiisa sa Road Clearing Operation sa Pasil, Abra

Nakiisa ang Barangay Peace Keeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Road Clearing Operation sa Barangay Ableg Pasil, Abra nito lamang ika-8 araw ng Mayo 2023.

Pinangunahan ng Pasil Municipal Police Station sa pamumuno ni PEMS Jerry V Granel, MESPO katuwang ang BPATS, mga motorista at mga residente ng nasabing lugar.

Ang mga nasabing grupo ay nagtulong-tulong maglinis at mag-alis ng mga natumbang puno dulot ng malakas na ulan sa kahabaan ng kalsada

Layon ng aktibidad na hiyakatin ang bawat residente na makiisa at magtulungan para malinis ang kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *