Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng KKDAT sa Burgos La Union

Pinangunahan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at, Brgy. Official ang Clean-up Drive Activity sa kahabaan ng Brgy. New Poblacion, Burgos, La Union nito lamang ika-16 ng Mayo 2023.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Burgos Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Janly C Placido, Officer-in Charge.

Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina na makakapagbigay ng malusog, ligtas at maayos na kapaligiran para sa ikabubuti ng mamamayan.

Hinikayat ng grupo ang mga residente na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.

Source: Burgos Municipal Police Station, La Union

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *