Weekly Interactive Meeting, isinagawa ng Faith-Based Advocacy Group

Nagsagawa ng Weekly Interactive Meeting ang miyembro ng Faith-Based Advocacy Group sa Lirio M. Escaño National High School, Patnongon, Antique nito lamang ika-17 ng Mayo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Faith-Based Volunteers katuwang ang Patnongon Municipal Police Station na dinahulan ng mga guro at mag-aaral ng Lirio M. Escaño National High School.

Pinasimulan ang aktibidad ng pagbasa ng salita ng Diyos at ang kanyang mga kautusan kasunod nito ay tinalakay sa mga kalahok ang Drug Awareness, Crime Prevention, Safety Awareness at Anti-Terrorism na kaugnay sa KASIMBAYANAN program.

Layunin ng naturang grupo na maitaas ang moralidad ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbahagi ng salita ng Diyos gayundin ay upang madagdagan ang kanilang kaalaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *