Livelihood Seminar, isinagawa sa Quezon City
Nilahukan ng mga residente ng Sitio Taniman, Brgy. Batasan Hills, Quezon City ang isinagawang Livelihood Seminar nito lamang Martes, Mayo 16, 2023
Ang programa ay pinangunahan ni Ms. Luzviminda Rodriguez, isang Trainer mula sa TESDA, Quezon City katuwang ang R-PSB Team Brgy. Batasan Hills, sa pamumuno mom ni Police Captain Novelson N Maano.
Tinuruan ang mga lumahok ng Fabric Conditioner and Dishwashing Liquid Making na kanilang magagamit sa kani-kanilang bahay o gawing negosyo para magkaroon ng karagdagang kita.
Layunin naman ng pagsasanay na na bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kanilang mga kasanayan sa paggawa ng mga nasabing produkto. Sa pamamagitan din nito, maaari silang lumikha ng kanilang sariling mga produkto at tuklasin ang mga pagkakataong makapagnegosyo.