Clean-up Drive isinagawa sa Taguig City

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga Advocacy Support Groups na ginanap sa Bagumbayan Creek, Taguig City nito lamang Biyernes, ika-19 ng Mayo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mrs. Cristina Cruz, Head ng Brgy Bagumbayan Solid Waste Management, Ms. Cora Avillar, Flood Management Office, Menchie Sales, Brgy Sucat Head Environmental/Sagip Ilog Management kasama sina Cris Ramos at Ulysses Mendez, mula sa Stereo Ranger ng nasabing lugar.

Katuwang din sa programa ang pulisya mula naman sa Battalion Community Affairs Section sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander, RMFB-NCRPO.

Bunga ng pagkakaisa, nalinis ng grupo ang mga basurang naipon sa nasabing creek at nakapagkalap sila ng sako-sakong mga basura kabilang rito ang mga plastic wrappers, plastic bottles at iba pa.

Layunin ng aktibidad na panatilihing malinis ang kapaligiran at himukin ang mga residente pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng paglilinis at tamang pagtapon ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *