Feeding Program, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Aklan

Aklan- Matagumpay na nagsagawa ng feeding program ang mga miyembro ng Boracay Sean Restaurant sa Brgy. Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay, Aklan nito lamang ika-12 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo ang Malay Municipal Police Station na kung saan ay mahigit 50 na mga residente at kabataan ng Brgy. Manoc-Manoc ang nahandugan ng libreng meryenda.

Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa handog na libreng pagkain ng grupo gayundin sa mga kapulisan.

Patuloy ang naturang grupo sa pagtulong sa mga lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *