Tree Planting Activity, isinagawa sa Amulung, Cagayan

Patuloy ang aktibong pakikiisa ng Advocacy Support Groups sa Tree Planting Activity sa Barangay Dadda, Amulung, Cagayan noong ika-17 ng Hunyo 2023.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Barangay Based, katuwang ang Amulung PNP na pinamunuan ni Police Major Tristan John F Zambale.

May kabuuang 100 na seedlings ng Narra ang naitanim ng grupo sa nasabing lugar.

Layunin ito na imulat ang publiko mula sa mga usaping pangkalikasan at ipabatid ang kahalagahan ng kanilang pakikiisa, upang mapigilan at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng mga likas na yaman.

Source: Amulung Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *