Grupo ng Kababaihan nilahukan ang Zumba Activity sa Muntinlupa City

Muntinlupa City- Nilahukan ng mga miyembro ng Kababaihan sa Biazon Compound, Brgy. Poblacion ang isinagawang Zumba activity sa Muntinlupa City nito lamang Linggo, Hunyo 18, 2023.

Ito ay pinangunahan ng Sayaw Hataw Indak Zumba (SHIZ) na naging dance coaches kasama ang tauhan ng R-PSB Team Poblacion sa pangunguna ni Police Captain Ruel Nasa-an.

May humigit-kumulang sa 50 indibidwal ang lumahok at ganadong nakihataw sa nasabing aktibidad.

Layunin ng programang ito ng grupo na dapat pahalagahan ang pangangatawan sa pamamagitan ng pag eehersisyo para maging malakas at mapagtibay ang resistensya laban sa anumang uri ng karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *