Stakeholders nakiisa sa Ground Breaking Ceremony at Feeding Program sa Navotas City

Navotas City- Nakiisa ang mga stakeholders sa isinagawang Ground Breaking Ceremony at Feeding Program na ginanap sa Brgy. Tanza 1, Navotas City nito lamang Martes, Hunyo 20, 2023.

Ang naturang programa ay pinangunahan Dr. Morena “Mong ” Cañizares, Chairman BAGPTD at Irene Hao ng LF Joy Foundation Inc. kasama ang tauhan ng 6th MFC ng RMFB sa ilalaim ng pangangasiwa ni Police Major Jefferson P Sad-Ang, Company Commander ng yunit.

Ang seremonya ay isinagawa para magpatayo ng bagong basketball court para sa mga kabataan ng lugar upang maibaling sa sports ang kanilang mga oras at para maiwasan ang mga masamang bisyo. Kasabay din nito, ang pamamahagi ng pagkain sa mga kabataan at magulang ng lumahok sa naturang programa.

Naglalayon ang proyekto na magkaroon ang mga kabataan ng magandang kinabukasan kinabukasan at maging mabuting mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *