Brigada Eskwela 2023 isinagawa sa Maramag, Bukidnon

Maramag, Bukidnon – Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Maramag Municipal Police Station at Philippine Army sa isinagawang Brigada Eskwela sa Bukidnon National School of Home Industries sa Maramag, Bukidnon nito lamang ika-21 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga guro na nasabing eskwelahan na nilahukan din ng mga tauhan ng Maramag Municpal Police Station, Philippine Army at iba’t ibang stakeholders.

Sama-samang naglinis, nag-ayos at nag-bungkal ng lupa para taniman ng mga bulaklak at mas mapaganda ang kapaligiran.

Ang Brigada Eskwela 2023 na may temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan” ay may layuning mapalawak ang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa maayos at maunlan na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *