Navotas Islamic Dawah nakatanggap ng Food Packs sa Navotas City

Masayang nakatanggap ng mga food packs ang mga miyembro ng Navotas Islamic Dawah sa Navotas City nito lamang Lunes, Hunyo 26, 2023.

Ang aktibidad ay alinsunod sa selebrasyon ng Eid’ Al Adha 2023 (A feast of Sacrifice) na pinangunahan ng Community Affairs Section sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Jerome Espinas.

Ang pamamahagi ng food packs o (SADAKAH) ay nilahukan ng 50 na kapatid na mga muslim bilang bahagi ng pagdiriwang ng nasabing okasyon.

Layon ng aktibidad na paigtingin ang samahan ng Kapulisan at Muslim Community para sa mas maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *