KKDAT Virac Chapter, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive Activity

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo Virac Chapter sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity sa dalampasigan ng Barangay Igang, Virac Catanduanes nito lamang ika- 28 ng Hunyo 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PSSg Antonino B Aquino, MCAD PNCO, sa ilalim pamumuno ni PMaj Robert Kevin T Caparroso, Chief of Police ng Virac MPS.

Sama-sama ang grupo na nagpulot ng mga basura sa dalampasigan upang hindi pa ito mapunta sa karagatan at maprotektahan ang mga yamang dagat.

Patuloy ang pagtutulungan ng Pambansang Pulisya at ang naturang grupo sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at maalagaan na rin ang mga likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *