Brgy. Based Advocacy Group, nakiisa sa Livelihood Program sa Taguig City

Masayang nakiisa ang mga Brgy. Based Advocacy Group sa isinagawang Livelihhod Program sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City nito lamang Miyerkules, Hulyo 12, 2023.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng District Community Affairs and Development Division (DCADD) ng Southern Police District ng NCRPO, katuwang ang mga Brgy. Based Advocacy Group sa pamamagitan ng pamimigay ng food packs at libreng seminar sa humigit 50 na residente sa nasabing lugar.

Pasasalamat naman ang naging batid ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na bagong kaalaman sa paggawa ng basahan at charcoal paper na maaaring makatulong upang makapag negosyo. Layunin ng grupo na tulungan, mapasigla, at suportahan ang mga residente sa libreng serbisyo upang maipadama ang malasakit at pagmamahal sa bawat miyembro ng ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *