Coastal Clean-up Drive, pinangunahan ng Force Multipliers sa Cebu

Pinangunahan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Bangcogon, Oslob, Cebu nito lamang umaga ng Miyerkules, Hulyo 19, 2023.

Kabilang sa nakibahagi sa aktibidad ang mga tauhan ng Oslob PNP sa pangunguna ni Police Captain Ian Tañajura Macatangay, Officer-In-Charge, Brgy. Officials, Anti-illegal Drugs Advocate (AIDA) at Bangcogon Oslob fishermans Association (BOFA).

Sama-sama ang grupo sa paglilinis ng dalampasigan upang protektahan ang karagatan at mga yamang dagat.

Layunin nito na mapaabot sa publiko ang kahalagahan ng paglilinis sa paligid at tamang pagtapon ng mga basura na nakasasama sa yamang-dagat at kalusugan ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *