Skills Enhancement Training, dinaluhan ng mga miyembro ng BPAT’s sa Ligao City

Aktibong nilahukan ng Barangay Peacekeeping Action Team’s ang isinagawang Skills Enhancement Training na isinagawa sa Barangay Tula-tula Ligao City Albay nito lamang ika-18 ng Hulyo 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Ligao City Police Station sa pamumuno ni PLtCol Ruel M Pedro, Chief of Police ng Ligao City Police Station.

Layunin ng aktibidad na maturuan ang mga miyembro ng BPAT’s ng bagong kaalaman sa paggamit ng arnis at self defense na kanilang magagamit upang maprotektahan ang kanilang sarili at kanilang mga nasasakupan bilang katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *