Livelihood Program isinagawa sa Parañaque City

Nagsagawa ng Livelihood Program ang mga Barangay Officials at TESDA sa mga residente ng Barangay Don Bosco, Parañaque City nito lamang Miyerkules, Hunyo 19, 2023.

Katuwang sa programa ang mga tauhan ng Parañaque City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Renato B Ocampo, Chief of Police ng istasyon. Tinuruan ang bawat kalahok sa paggawa ng pabango at uling upang maging daan para makapagsimula ng maliit na negosyo.

Layunin ng aktibidad na bigyan kaalaman ang bawat residente ng mga barangay upang makatulong maiangat ang pamumuhay ng bawat isa sa ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *