Tree Planting Activity, nilahukan ng Force Multipliers sa Capiz

Nakilahok ang mga miyembro ng force multipliers sa tree planting activity na isinagawa sa Sitio Gutusan, Brgy. Candelaria, Tapaz, Capiz nito lamang ika-19 ng Hulyo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Tapaz Municipal Police Station, katuwang ang Bureau of Fire Protection, Municipal Environment and Natural Resources Office, Tapaz Security Force, Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Brgy Based Advocacy Support Group.

Mahigit sa 50 na puno ng acacia ang matagumpay na naitanim sa naturang lugar na magsisilbing tulong upang maibsan ang climate change.

Patuloy ang naturang grupo katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno na proprotektahan ang ating kalikasan at mabigyang kamalayan ang mga kababayan natin na panatilihing maayos ang ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *