Clean-up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa Batac City, Ilocos Norte

Nagsagawa ng Clean-up Drive Activity ang Advocacy Support Groups sa Brgy. Bil-loca, Batac City, Ilocos Norte nito lamang ika-23 ng Hulyo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ang Force Multipliers at Batac City PNP na pinapangunahan ni Police Lieutenant Colonel Adrian L Gayuchan, Chief of Police.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga residente na makiisa at sumuporta sa mga proyekto at aktibidad na naglalayong linisin ang kanilang kapaligiran nang sa gayon ay manatiling malinis ang kanilang lugar at upang hindi ito panggalingan ng sakit na nakukuha sa maduming kapaligiran.

Samantala, patuloy naman ang mamamayan at iba’t ibang grupo sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan mapapanatili nila ang kalinisan at kagandahan ng kanilang lugar.

Source: City of Batac Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *