Tree Planting Activity, nilahukan ng Advocacy Support Group

Bula, Camarines Sur – Nakiisa ang Advocacy Support Groups sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Palsong Bula, Camarines Sur nito lamang ika- 8 ng Agosto 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ni PCpt Jason G. Canoto, Platoon Leader, 4th Maneuver Force Platoon ng Camarines Sur 2nd PMFC. Nakapagtanim ng 100 na seedlings ng punong kahoy ang grupo sa nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang mga puno na nagsisilbing panangga sa init at masamang panahon. Ang Pambansang Pulisya at Advocacy Support Group ay mas lalo pang pinalawak ang mga aktibidad sa pangangalaga at proteksyon sa ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *