Basketball Friendly Game, idinaos sa MisOcc

Pawis na pawis ang mga kabataan at mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay Misamis Occidental sa paglalaro ng Basketball Friendly Game sa P-4, Brg. Dullan Norte, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang Agosto 12, 2023.

Ito ay bahagi ng programa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na palakasin ang ugnayan sa mga kabataan. Dagdag pa, ang mga kabataan at kapulisan ay binigay ang lahat upang maging masaya at manalo sa laban.

Hindi lang mapapalakas ang ugnayan ng kapulisan at kabataan makakatulong din ito upang mapalakas ang pangangatawan ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *