Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Local Government Unit ng Sudipen La Union

Pinangunahan ng mga tauhan ng Local Government Unit at MDRRM ang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Old Central, Sudipen, La Union nito lamang ika-12 ng Agosto taong kasalukuyan.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ay ang Sudipen Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Ricardo C Serrano Jr, Officer-in Charge.

Ang naturang aktibidad ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon ay patuloy na nakikiisa sa ating kapulisan upang mapanatili ang sigla at kalinisan ng ating kapaligiran.

Patuloy naman ang grupo na paalalahanan ang mamamayan na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *