Force Multipliers lumahok sa Community Helpers Inter-Action sa San Juan City

Aktibong nakilahok ang mga grupo ng Force Multipliers sa isinagawang Community Helpers Inter-Action sa Xavier School, Auditorium Hall, San Juan City nito lamang Biyernes, Agosto 11, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Station Community Affairs and Development Section ng San Juan City Police Station kasama ang iba pang Community Helpers tulad ng TPMO, Brgy. Tanod, Street Sweepers, Post Office, CDRMMO, at Bureau of Fire Protection (BFP). Nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga problemang nararanasan ng nasabing lungsod upang bigyan ng solusyon ang mga ito.

Layunin nitong palakasin ang presensya ng pulisya at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ang naturang lungsod

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *