Force Multipliers nakiisa sa Information Drive sa Muntinlupa City

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Muntinlupa Force Multipliers sa isinagawang information drive na ginanap sa Purok 5, Brgy Cupang, Muntinlupa City nito lamang umaga ng Linggo, Agosto 13, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mr. Ruben L Montevirgen, Nat’l Vice President at Dir. Noel Macalinao, National Adviser, aktibong miyembro ng Muntinlupa Force Multipliers katuwang ang mga kapulisan ng Muntinlupa City Police Station.

Pagkatapos ng diyalogo, ipinamahagi ng LGU sa mga Newly Installed Officers ng NARIAG ang kani-kanilang sertipiko.

Muling magsasagawa ng information drive ang naturang grupo upang magkaroon ng karagdagang kaalaman ang mga kababayan natin na nasa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *