KKDAT- Sabangan, nakiisa sa Tree planting Activity

Nakiisa sa isinagawang tree planting activity ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Sabangan Chapter sa Sitio Legleg Barangay Camatagan, Sabangan, Mountain Province nito lamang Agosto 12, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Sabangan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Abbey Albert K Longi, Chief of Police, katuwang ang mga tauhan ng BFP-Sabangan, Philippine Army, Namatec Patrol Base, Delta Coy, at MPENRO-Sabangan.

Ang mga nasabing grupo ay matagumpay na nakapagtanim ng 600 na Benguet pine trees seedlings at 100 na narra seedlings bilang kaugnay sa PNP Core value na “Maka-Klikasan”. Layunin ng aktibidad na makatulong sa pangangalaga ng kalikasan, maiwasan ang lumalalang epekto ng global warming at mahikayat ang bawat mamamayan na makiisa sa pangangalaga ng ating inang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *