Barangay Officials, nakiisa sa Clean-Up Drive sa Hermosa, Bataan

Nakiisa ang mga opisyal ng barangay sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay Mabuco, Hermosa, Bataan nito lamang Linggo, ika-20 ng Agosto 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B. Ollaging, Force Commander.

Nagtulungan sa pagwawalis at paglilinis sa paligid ng kabahayan ng naturang lugar. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maging ligtas sa anumang uri ng sakit ang mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *