Free Legal Consultation, isinagawa ng Rotary Club sa Makati City

Nagsagawa ng Free Legal Consultation ang mga miyembro ng Rotary Club Makati Chapter para sa mga residente ng lungsod na ginanap sa Barangay West Rembo, Sports Complex, Makati City nito lamang Lunes, Agosto 21, 2023.

Pinangunahan ni Dr. Morena “Mong” S. Cañizares ang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion kasama ang iba pang miyembro ng nasabing grupo.

Maliban sa libreng konsultasyon, mayroon ding libreng notaryo. Layunin nitong makatulong sa mga taong nangangailangan upang mapadali ang pagreresolba ng kanilang mga problema pagdating sa mga batas at sa kanilang mga karapantan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *