KKDAT Paracelis nakiisa sa Linggo ng Kabataan 2023

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) Paracelis Chapter sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2023 na may temang “Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World” sa Serapio Gawan National High School, Poblacion, Paracelis, Mountain Province nito lamang Agosto 23, 2023.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng mga miyembro ng Local Youth Development Council Paracelis, SK Federation-Paracelis, MSWDO-Paracelis katuwang ang 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company, at Paracelis Municipal Police Station.

Itinampok sa aktibidad ang mga iba’t ibang palaro na masayang nilahukan ng humigit kumulang 80 na kabataan. Bukod pa rito ay tinalakay at nagbigay kaalaman naman ang mga tauhan ng 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company patungkol sa pag-iwas sa bisyo, illegal drugs, at masamang dulot ng paninigarilyo.

Ang kabataan ay patuloy na makiisa sa mga programa ng PNP at iba pang ahensya upang mahasa ang kanilang kaalaman at maging mabuting ehemplo sa kanilang kapwa kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *