KKDAT nakiisa sa Gift-Giving sa Sta. Ana, Pampanga

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa pamimigay ng tulong para sa mga residente ng Barangay Sto. Rosario, Sta. Ana, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-24 n Agosto 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Sta. Ana Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Fernando Manalastas, Chief of Police.

Namahagi sa mga mamamayan ng mga loaf bread mula sa Gardenia Philippines.

Patuloy ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa pagsuporta sa iba’t ibang programa ng Pambansang Pulisya tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *