Fun Run at Coastal Clean Up Drive, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Aklan

Aklan – Nagsagawa ng Fun Run at Coastal Clean Up Drive ang Boracay Airport at San Miguel Corporations sa Coastal at Beach Area ng Union, Nabas, Aklan nito lamang ika-9 ng Setyembre 2023.

Katuwang sa aktibidad ang Malay PNP at iba pang mga Law Enforcement Agencies, Barangay Officials, Non-Government Organizations (NGOs) at mga volunteers.

Ang aktibidad na ito ay may layuning itaguyod ang pagbabawas ng basura at lumikha ng kamalayan sa publiko hinggil sa wastong pamamahala ng basura at mga isyu ukol sa kalikasan.

Sa pangunguna ng naturang grupo, naging matagumpay ang nasabing aktibidad na nagbukas ng pintuan para sa mas marami pang mga proyekto at gawain upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng kalikasan sa Boracay at sa buong Aklan.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, patuloy na mapanatili ang kagandahan ng kalikasan at maging huwaran sa wastong pangangalaga ng kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *