Manticao Barangay Council, nakiisa sa Turn-over Ceremony ng konkretong Water Tub sa MisOr

Misamis Oriental- Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Council sa isinagawang Turn-over Ceremony ng konkretong Water Tub sa Barangay Balintad, Manticao, Misamis Oriental nito lamang Lunes, Setyembre 11, 2023.

Nakiisa si Punong Barangay Paterno D Bayer kasama si Police Lieutenant Rommel S Villaro, Team Leader ng Revitalized Pulis sa Barangay Manticao, Misamis Oriental.

Ang naturang water tub ay magagamit upang imbakan ng tubig at mapagkunan ng malinis na tubig. Ang naturang proyekto ay bunga ng pagkakaisa ng Revitalized Pulis sa Barangay at Barangay Council tungo sa isang maayos at matatag na relasyon para sa ikaka-unlad ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *