Advocacy Support Groups, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive sa Leyte

Dulag, Leyte – Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Buntay at Brgy. Sungi, Dulag, Leyte nito lamang Sabado ng umaga, ika-16 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan din ng mga tauhan ng Dulag Municipal Police Station, FTP MASANDIWA, BFP, OJT ng Burauen Community College (BCC), Brgy. Officials at mga residente ng nasabing lugar.

Tulong-tulong sa paglilinis ang isinagawa ng naturang mga grupo at sako-sakong mga basura ang nakolekta sa dalampasigan.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng ating yamang dagat upang maiwasan ang polusyon na maaaring makasira dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *