Bless Our Cops School of leadership Seminar nilahukan ng Faith-based Support Group sa Mandaluyong City

Nilahukan ng mga miyembro ng Faith-based Support Group ang isinagawang Bless Our Cops School of leadership Seminar sa BBCM 509 Nueve De Pebrero St., Brgy. Pleasant Hills, Mandaluyong City nito lamang Martes, Setyembre 12, 2023.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga tauhan ng Station Community Affairs and Development Section sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Jurana B Ollaginh, Chief, SCADS ng Mandaluyong City Police Station.

Nagsagawa ang BOC ng moral at spiritual nourishment sa mga dumalo na naglalayong madagdagan ang kanilang kaalaman sa salita ng Dios nang maiwasan nila ang paggawa ng masama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *