BPATs sumailalim sa pagsasanay sa Paniqui, Tarlac

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa Barangay Aduas, Paniqui, Tarlac nito lamang Martes, ika-19 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Paniqui Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Nicanor Lambino, Chief of Police.

Tinuruan ng iba’t ibang arresting at handcuffing techniques upang magamit ito sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng pulisya at BPATs lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *