Norzagaray MPS, Nagsagawa ng BPATs Training sa Barangay Tigbe

0
Screenshot-2026-07-26-065922

Nagsagawa ang Norzagaray Municipal Police Station ng pagsasanay para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Barangay Tigbe, Norzagaray, Bulacan, sa pangunguna ni PLTCOL ISMAEL C. GAUNA, ACOP.

Dinaluhan ito ng mga barangay opisyal at barangay tanod mula sa nasabing barangay. Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at mapahusay ang kakayahan ng mga miyembro ng BPATs sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Tinalakay sa programa ang wastong pamamaraan ng pagbabantay, pakikipag-ugnayan sa kapulisan, pagpapatupad ng mga ordinansa at batas, tamang pagtatala sa blotter, at Katarungang Pambarangay. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan upang mapanatili ang ligtas at maayos na pamayanan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, patuloy na napapalakas ang ugnayan ng kapulisan at komunidad tungo sa mas epektibong pagpapatupad ng batas, pagpapanatili ng seguridad, at pagsusulong ng kapayapaan sa Norzagaray.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *