KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting (KWIM) isinagawa sa Batangas City

Nagsagawa ng KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting (KWIM) ang Life Coaches sa Brgy. Poblacion 12, Batangas City nito lamang Miyerkules, Oktubre 11, 2023. Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Rogelito Maano, miyembro ng Jesus Household Church Batangas sa direktang superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Diana Del Rosario, Acting Chief of Police ng Batangas City Police Station katuwang ang mga barangay officials.

Tinalakay ang mga mahahalagang responsibilidad at tungkulin ng Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan kaugnay sa 5-Focused Agenda of the CPNP: Community Engagement.

Layunin nitong lalong patatagin ang moral at ispiritwal na kapakanan ng pulis at lahat ng dumalo tungo sa pagsagawa ng aktibidad na nakakatulong mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *