KALIGKASAN Warriors, nakiisa sa Tree Palnting Activity sa Sorsogon

Sorsogon City- Nakiisa ang KALIGKASAN Warriors sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Bagong Sirang, Barangay Macabog Sorsogon City nitong ika-11 ng Oktubre 2023.    

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Sorsogon PPO sa ilalim ng pamumuno ni PCol Dionesio T Laceda, Provincial Director ng Sorsogon PPO.  

Nasa 150  fruit bearing trees ang matagumpay na naitanim ng mga grupong nakilahok sa naturang aktibidad.  

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang mga puno sa lugar upang maging panlaban at panangga kapag may dumarating na kalamidad  tulad  ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *