Stakeholders nagsagawa ng Dental Mission sa Taguig City

Nagsagawa ng Dental Mission ang grupong Makati Dental Society at Ayala Amity Centennial Lions Club sa RMFB NCRPO Tapaglunsad Hall, Camp Bagong Diwa, Taguig City nito lamang Sabado, Oktubre 14, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng pangkat ng mga kilalang propesyonal sa ngipin, kabilang sina Dr. Morena “Mong” S. Cañizares;;Dr. Doremi Sarmiento; Dr. Imelda Pechera; Dr. Elizabeth Pagarigan; Dr. Benzon Gracia; Dr. Karen Garcia; Dr. Mardi Enerio; Dr. Richard Lim; at Dr. Donyl Romualdez.

Katuwang ang Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO at Battalion Advisory Group for Police Transformation and Development.

Tampok sa naturang aktibidad ang libreng bunot at linis ng ngipin sa 53 na kalahok. Ang inisyatiba na ito ng stakeholders ay naglalayong palakasin ang ugnayan sa komunidad at kapulisan para sa isang mapayapa at ligtas na bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *