BPATs sa Iriga City, nakilahok sa Clean-up Drive Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang Clean-up Drive Activity sa San Nicolas, Iriga City nito lamang ika-12 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Iriga City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Jabesh Nicolas Napolis, Offier-In-Charge ng Iriga CPS.

Nagtulong tulong ang mga kalahok sa paglilinis ng mga nakakalat na basura sa paligid at maging ang daluyan ng tubig upang masigurado na tuloy-tuloy ang daloy ng tubig kapag may dumarating na ulan.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan at maaliwalas na kapaligiran upang sa ganun ay makaiwas ang mga residente sa anumang uri ng sakit dulot ng maruming paligid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *