Women Sector Advocacy Support Group, nakiisa sa isinagawang Information Drive sa Tanza, Cavite

Nakiisa ang mga miyembro ng Women Sector Advocacy Support Group sa isinagawang Information Drive sa Barangay Capipisa, Tanza, Cavite nito lamang ika-18 ng Oktubre, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Annaliza Flores, CPCAS, sa direktang superbisyon ni Police Major Dennis Villanueva, Officer-In-Charge ng Tanza Municipal Police Station.

Malugod na tinanggap ng mga miyembro ang mga flyers na ipinamigay ng mga pulis at nakinig ng mabuti sa tinalakay na BIDA Program, BSKE 2023, RA9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Crime Prevention Tips.

Layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang mga kababaihan patungkol sa droga, eleksyon, mga batas at insurhensya para maiwasang biktima ng droga, krimen at terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *