Advisory Support Groups nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Advisory Support Groups sa isinagawang Clean-up Drive sa Sitio Bungahan, Barangay Ampid 2, San Mateo, Rizal nito lamang Oktubre 21, 2023.

Ang aktibidad ay pinagtulungan ng mga miyembro ng PSFTP 2022-01 Sinag-Lakan, KABAYAN Action Group San Mateo Chapter, Hon. Nilo M Gomez, Brgy Chairman, Municipal Agriculture Office at San Mateo Municipal Police Station.

Ang naturang mga grupo ay nagwalis sa paligid, binunot ang mga damo at naghakot ng mga basura.
Layunin nitong panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang polusyon, sakuna at mga sakit lalo na nitong panahon ng tag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *